great night
came home around 2am na. masaya ako!
7pm, nag turnover ceremonies SC. ok lang... tapos tambay sandali sa school until we (my "boyfriends for rent" ) decided to watch a movie. Fred was insisting that we watch TMNTurtles. Pero si JP gusto 300. we ended up watching 300 sa Mall of Asia. hehe!
Ganda ng cinematography nya grabe! as in bawat movement, every scene, every angle may story. no boring parts... except that it was too morbid for me. pero after the movie naman, parang baliwala na ung pagka morbid nya para sakin. ndi ko lang kasi type ung madaming blood tapos napuputol mga body parts lalo na ung kapag natutusak ung mata. eewwww....
but the story was really good. ok naman ung lesson... bilib ako sa courage ni king leonidas and ng mga spartans. parang fraternity ung dating... dun nga ata nag umpisa ung concept ng fraternity eh. hehehe! pero ok talaga. for me, king leonidas made the right choice of not surrendering. para na rin kasi nyang pinatay dignidad nya, prinsipyo nya pati na ng greece kapag ginawa niya un. KING?? LULUHOD before an enemy? nako ha!
kakatawa habang nanonood kami. yoko kasi ng sobrang mga morbid movies. natatawa sakin sila khalid, fred and jp kasi sabi ko ibang iba talaga at ndi ako matotrauma sa pagkamorbid kung ninja turtles pinanood namin. hhahaha! diba, laki ng difference? KOWABONGGA!
after the movie, masaya din tsaka relaxing. midnight na nun and naglakad lakad lang kami sa MOA till we decided to sit sa parking lot... sa isa sa mga isle dun para magkwentuhan. ok sya! naappreciate ko kahit sa kalsada ng parking lot kami nakaupo. solo namin ung place, tahimik, mahangin. kwentuhan lang kami dun till past 1am. ok silang katambay... hehe!!! sana maulit muli. after nun, lipat kaming tapat ng jollibee para matino naman pwesto ng upuan (sakit na kasi likod ko eh i wasnt able to drink my med). tapos dun, kwentuhan ulit kami... actually kinig lang sa stories ni fred. hehe!
BASTA MASAYA! next gimik namin, mag ice skating naman kami. haha!

1 Comments:
nyahaha.. kaya kayo na ch-chismis ni Fred eh.
he he :P
Post a Comment
<< Home